ITINAAS sa red status alert ng lungsod ng Quezon ang kanilang COVID-19 early warning system dahil sa paglubo ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU), aabot sa 27 kaso ang naitatala nila kada araw na mas mataas ng 57.9% kung ikukumpara sa naitatalang kaso nitong nakaraang linggo.
Aabot naman sa 14.55% ang COVID-19 positivity rate sa QC.
Ang pagtaas sa red status alert ng QC ay upang ma-monitor ang mga kaso, pag-aralan ang trends nito, at makapagrekomenda ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang paglubo pa ng kaso.
Ayon kay QCESU chief Dr. Rolando Cruz, isa sa nakikitang nakapagpataas ng kaso ay dahil sa gatherings ngayong Christmas season at hindi na pagsunod sa COVID-19 restrictions tulad ng pagsusuot ng face mask.
Umaapela rin ngayon si QC Mayor Joy Belmonte sa mga nasasakupan nito na maging maingat sa kanilang kalusugan at sumunod sa mga COVID-19 protocol.