IPINAGBAWAL muna ng University of the East Coach Jack Santiago ang Red Warriors na gumamit ng social media.
Ito ay upang maiwasan ang pagkawala sa focus ng Warriors sa kanilang mga nalalapit na laro.
Kamakailan lang ikinagulat ng lahat ang muling pag-angat ng Warriors sa UAAP Season 85 nang natalo nito ang University of Santo Tomas na nagresulta sa pagkakaroon ng 4-5 win-loss standing ng UE.
Kaya ayon kay Coach Santiago, upang makamit ng Warriors ang inaasam na pagkapanalo, kinakailangan ng mga itong magfocus sa laro.