Regular COVID-19 testing sa school officials, iminumungkahi sa face-to-face classes

Regular COVID-19 testing sa school officials, iminumungkahi sa face-to-face classes

KAILANGANG magkaroon ng regular na COVID-19 testing sa school officials ngayong nagsisimula na ang face-to-face classes ayon sa isang mambabatas.

Sa panayam ng SMNI News kay Senator Sherwin Gatchalian, iminumungkahi nito ang COVID-19 testing sa school officials para matiyak na ligtas palagi mula sa COVID-19 ang mga paaralan.

“Ang aking mungkahi ay magkaroon ng regular na testing ‘yung ating mga teachers…Mayroong potential na magpositive ‘yung guro at kailangan ng regular na testing ‘yung ating mga guro at other school officials para masiguro natin na ligtas ang ating paaralan,” pahayag ni Gatchalian.

Binigyang-pugay naman ni Gatchalian ang mga guro at principals sa mga paaralan na binisita niya at kasama sa napiling sumali sa pilot testing ng face-to-face classes.

Ito’y dahil kahit mahirap ay sinunod nila ang lahat na inilatag na health protocols.

Ibinahagi na rin ng senador na posibleng maaari nang palawakin ang bilang ng mga paaralang magbubukas para sa face-to-face classes lalo na sa low-risk areas sa Disyembre 15 o unang bahagi ng buwan ng Enero taong 2022.

BASAHIN: Pagpapatupad ng COVID-19 protocols sa face-to-face classes dapat higpitan -Gatchalian

Paggastos sa pondo at hindi proyekto ang problema ng NTF-ELCAC -Gatchalian

Samantala, hindi ang proyekto ang problema kundi ang paggastos sa pondo ng NTF-ELCAC ayon sa senador hinggil sa defunding ng NTF-ELCAC para sa 2022.

Nilinaw naman ni Gatchalian na hindi sya tutol sa NTF-ELCAC dahil lubos aniya itong nakakatulong sa mga malalayong lugar.

Aniya, ang pondo ng task force ay malaking tulong rin sa pagbawas ng suporta at pagbawas sa mga taong pumupunta sa komunista.

Sa opinyon nya lang, dapat mapamahalaan ng tama ang pondo ng NTF-ELCAC at maiwasan itong mawaldas.

SMNI NEWS