MAHIGPIT na ipatutupad ang overloading sa mga sasakyan ng PNP Highway Patrol Group at lokal na mga pulisya ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas.
Ito ay kasunod sa malagim na aksidente sa Tabuk, Kalinga na ikinasawi ng 13 indibidwal kabilang ang mga bata, dahil sa overloading na ang sasakyan.
“I extend my deepest sympathy to the family of these victims. May their souls be at peace and I hope that our Creator brings you the much-needed peace during these trying times,” mensahe ni Sinas.
Ayon kay Sinas, mahalaga na masunod ang load limits at maximum passenger capacity.
Gayundin ang physical distancing protocol sa loob ng sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Sa ulat ni Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director ng PRO Cordillera, 15 ang sakay ng Ford Everest SUV na may plate number na AAK-9180 na minamaneho ni Soy Lope, isang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bontoc, Mt. Province nang mahulog ito sa irrigation canal sa Tabuk, Kalinga.
Basahin: Patay sa aksidente ang 13 katao matapos mahulog sa kanal ang sinasakyang SUV