“Reimagined” concert ni Janella Salvador, suspendido

“Reimagined” concert ni Janella Salvador, suspendido

SUSPENDIDO muna ang 10th Anniversary concert na “Reimagined” ni Janella Salvador.

Hindi na idinetalye pa ng Star Music kung ano ang dahilan maliban na lang sa paliwanag nito na may hindi inaasahang pangyayari kaugnay sa concert.

Sa ngayon ay wala pang inanunsiyo na panibagong date para dito.

Nakatakda sana sa Abril 19, 2024 ang concert ni Janella.

Hinihikayat naman ang lahat ng ticket holders na itago muna ang kanilang tickets o kaya magpa-refund via Ticketnet.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble