MAINIT na sinalubong ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur ang kinatawan ng gobyerno ng Espanya sa Pilipinas na si His Excellency Miguel Utray Delgado at 10 kasamahan nito.
Sa panayam ng SMNI News kay acting General Manager of Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO), layunin ng pagbisita ng Spanish Ambassador to the Philippines sa kanilang bayan na tingnan ang mga posibleng lugar na paglalagyan ng kanilang mga proyekto na renewable energy upang tuluyan nang wakasan ang problema sa suplay ng kuryente sa naturang probinsiya.
“It’s a big help to Maguindanao Electric Cooperative especially and to some portion of SUKELCO (Sultan Kudarat Electric Cooperative) kasi may mga sakop po ng Maguindanao area na under siya ng franchise ni SUKELCO.”
“I think sa proposal naming Datu Paglas, magkakaroon po tayo ng mga panibagong facilities, additional power transformer para mas malakas pa ang ating power supply po doon and of course bibisitahin po nila ang mga possible and potential na puwede nilang paglagyan ng kanilang proyekto like ng mga solar power plant and other facilities like sub-stations.”
“So doon nila makikita, pag-aaralan nila at magkakaroon ng further study kung ano ‘yung mga puwede nilang ibigay at maitulong sa atin dito sa Maguindanao Electric Coop. Mga renewable energy kasi iyon ang expertise nila,” ayon kay Ms. Suraina A. Kalid, General Manager MAGELCO.
Nabanggit din ni Suraina ang pakikipag-unayan ng National Electrification Administration (NEA) sa pangunguna ni Administrator Antonio Mariano C. Almeda sa 11 electric cooperatives upang magbigay ng tulong na maresolba ang problema sa rotational brown-out sa limang bayan ng Maguindanao.
“We have a problem with 5 municipality of Maguindanao electric coop. And that is municipality of Kabuntalan, South Upi and Upi and Datu Blah Sinsuat (DBS). Nagkakaroon kami ng rotational brown-out due to overload of sub-stations. So nakita naming na isa sa paraan para maresolba ang problema na ‘yun is up rating of power transformer. So from 5 mga magiging 10.”
“Para lalakas ang power nila may rotational brown out doon po talaga sila nakakaranas. So, isa sa naging objective ko, paano ko maresolve ang problem na ‘yun binigyan ako ng pagkakataon through the initiative of administrator Almeda.”
“Napakiusapan niya iyong 11 electric coops na puwedeng mag lend sila, magpledge sila sa amin ng amount. It depends on the availability of fund kung magkano lang iyong mapahiram sa amin hanggang umabot siya ng 18 million,” dagdag ni Kalid.
Samantala, nagbigay rin ng kaniyang pahayag si Vice-Governor Nathaneil S. Midtimbang hinggil sa epekto ng pagbisita ni Delgado.
“Titingnan nila ang problema particularly sa Maguindanao del Sur sa power supply natin. Willing naman silang tutulong sa pangunguna ng ating National NEA Administrator Secretary Almeda,” ayon kay Hon. Nathaneil S. Midtimbang, Vice- Governor Maguindanao del Sur.
Samantala, laking pasasalamat naman ng butihing gobernador ng Sultan Kudarat na si Governor Datu Pax Ali S. Mangudadatu sa ambassador ng Espanya sa pagbisita rin nito sa probinsiya ng Sultan Kudarat.
“And very happy and even without asking for help we have the Embassy of Spain ready to give us different opportunities for us to progress as another province. When we were campaigning the last elections we’ve been on casting and advocating that here in Sultan Kudarat we were not just building a province we are building a nation together. A nation where we see the Muslims, the Christians, Lumads live peacefully and harmoniously with one another. A nation where we all stand together, united in the midst of diversity and united for common cause to ensure that we have a brighter future for the province of Sultan Kudarat,” ayon kay Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu, Sultan Kudarat.