Rep. Salceda, mariing tinututulan ang liberalisasyon sa importasyon ng asukal sa bansa

Rep. Salceda, mariing tinututulan ang liberalisasyon sa importasyon ng asukal sa bansa

MARIING tinututulan ni Albay Rep. Joey Salceda ang plano ni Finance Sec. Benjamin Diokno na liberalisasyon sa importasyon ng asukal sa bansa.

Ibig sabihin, ibibigay na lang sa mga institutional buyers ang kapangyarihan sa pag-angkat ng asukal at ang local produce na lang ang para sa local consumption ng buong bansa.

Sa panayam ng SMNI News kay Salceda na siya ring chairperson ng House Committee on Ways and Means, sinabi nito na mistula itong ‘implicit bribery.

Bukod pa dito, sinabi rin ni Salceda na isa rin itong pagsusulong ng kartel sa industriya.

Una nang tinututulan ang naturang panukala ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) at ipinanawagan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ibasura ito dahil magbibigay ito ng pabor sa iilang industrial user lang at papatayin nito ang mahigit limang milyong Pilipino na umaasa sa sugar industry.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter