UMAAPELA si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa pamahalaan na pababain pa ang presyo ng modern jeep.
Mula sa P2-M ay hiniling nitong maibaba sa halagang P600-K para mas abot-kaya ng mga jeepney driver at operator.
Maliban sa apelang ito ay nais ni Salceda na local manufacturers na lang ang bubuo ng modern jeep.
Ang halaga nito ay maaaring hindi hihigit sa P1-M at aabutin lang ng 7 taon para maibalik ang investment.