IPINAG-UTOS ng Korte Suprema ang pagdalo ni Rep. Stella Quimbo sa oral arguments kaugnay sa petisyon laban sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Kasama rin sa pinadadalo ang mga miyembro ng Technical Working Group.
Kinumpirma ito ni Solicitor General Menardo Guevarra matapos ang preliminary conference sa kasong isinampa ng mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong huling bahagi ng Enero.
Sa petisyong isinampa nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, at iba pang petitioner, iginiit nilang mayroong blangkong items sa isinumiteng bicam report ng 2025 General Appropriations Bill.
Ayon sa kanila, ito ay isang paglabag sa 1987 Constitution.