HINDI pinaboran ng Department of Education (DepEd) ang request ng Makati City na sila ang mamahala sa tatlong paaralan sa ilalim ng Embo barangays.
Ang mga tinutukoy na paaralan ay ang Makati Science High School, Fort Bonifacio Elementary School at Fort Bonifacio High School na matatagpuan sa Makati City.
Sa paliwanag ng Makati, ang lupa kung saan itinayo ang mga paaralan ay pag-aari ng kanilang lokal na pamahalaan kung kaya’t mainam lang din na sila ang mamahala nito.
Subalit ayon sa DepEd, kulang sa legal basis ang request na ito ng Makati.
Sa panig ng Taguig City, ang national government sa pamamagitan ng DepEd o ang branch ng ahensya sa Taguig-Pateros ang mamahala sa tatlong paaralan.
Matatandaan namang ang sampung Embo barangays na nooy sakop ng Makati ay kasalukuyan nang sakop sa hurisdiksyon ng Taguig.