Reshuffling sa PNP, hindi prayoridad ng bagong PNP Chief

Reshuffling sa PNP, hindi prayoridad ng bagong PNP Chief

NILINAW ni Police General Rommel Francisco Marbil na hindi prayoriad ng kaniyang administrasyon ang revamp o pagpapalit-palit ng mga posisyon ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Naniniwala ang heneral na isa ito sa mga nagpapabagal at nagpapahina sa lahat ng yunit ng PNP dahil sa pabago-bagong mga tauhan at pamunuan.

Hangga’t wala aniyang mali o kasalanan ang isang opisyal ng yunit ay hindi kinakailangang palitan bagkus dapat manatili ang sinumang ginagawa nang mabuti ang kanilang tungkulin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble