Residente mula sa Australia, namatay habang nakikipaglaban sa Ukraine

Residente mula sa Australia, namatay habang nakikipaglaban sa Ukraine

ISANG Australian ang nasawi habang nakikipaglaban sa Ukraine dahil sa mortar attack sa Donbas Region.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs and Trade na isang Australian ang napatay sa Ukraine habang lumalaban sa Russian Forces.

Ang 40-taong gulang na si Trevor Kjeldal mula sa Brisbane ay namatay habang nakikipaglaban sa Ukraine kung saan pinaniniwalaang nakikipaglaban ito para sa Ukrainian Army laban sa Russian forces.

Ayon sa DFAT, ang pamilya ni Kjeldal ay nakatatanggap ng consular assistance.

Ayon din sa mga ulat, si Kjeldal ay tinatawag sa palayaw na “Ninja” at naging sugatan habang nakikipaglaban ito pero muling nakarekober at bumalik sa conflict area.

Si Kjeldal ang ikatlong Australian na nasawi sa Ukraine.

Ang 40-taong gulang na lalaki ay lumipad sa Ukraine para makipaglaban kahit na wala itong karanasan sa military.

Ipinaabot naman ni Prime Minister Anthony Albanese ang kanyang pakikiramay sa Kjendal family at inabisuhan ang publiko na huwag magbibiyahe sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter