SA ika-9 ng Abril, nagtipon ang mga residente ng Sitio Kalaanan, Brgy. Canitoan ng Cagayan de Oro at mga kapatiran mula sa Higaonon Tribal Council upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Pastor Apollo Quiboloy at sa PDP Laban Senatorial Candidates.
Sa Ayusin Natin ang Pilipinas, Town Hall Meeting, ipinaliwanag ang mga plataporma ni Pastor Apollo at ng mga kandidato, nagbigay liwanag sa mga isyu ng political harassment na hinarap nina Pastor Apollo Quiboloy at Dating Pangulong Duterte.