Retired major ng PH Marine Corps arestado sa kasong illegal recruitment sa PCG

Retired major ng PH Marine Corps arestado sa kasong illegal recruitment sa PCG

HULI sa aktong illegal recruitment ang tatlong suspek na nanghihingi umano ng P350,000 kada aplikante.

Sa bisa ng isang entrapment operation na isinagawa ng Coast Guard Intelligence Force (CGIF) at Coast Guard Inspector General (CGIG)-National Capital Region-Central Luzon (NCR-CL), bumagsak sa kamay ng batas ang mga suspek.

Kinilala ang isa sa mga ito bilang si Marcel Mudjilun, isang retired major ng Philippine Marine Corps. Kasama niyang naaresto ang dalawang kasabwat na sina Bolkisah Datu-Dacula at Abdul Jalil Datu-Dacula Bantuas.

Ayon sa mga awtoridad, nag-ugat ang operasyon matapos lumapit ang dalawang aplikante ng PCG sa Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) Counter Intel Operatives nitong Abril 1, 2025.

“The applicants reported the suspects following their demand for Php350,000 each in exchange for their assured entry in the PCG.”

Agad na inaresto ang tatlo at ngayon ay nasa kustodiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit NCR para sa booking procedures at pagsasampa ng mga kasong kriminal, kabilang ang qualified estafa.

“The three illegal recruiters are under the custody of the PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit NCR for booking procedures and subsequent filing of criminal charges of two counts of qualified estafa.”

Kasabay rito, muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa publiko: huwag magpalinlang. Walang sinumang awtorisadong manghingi ng pera kapalit ng enlistment sa labas ng opisyal na pasilidad ng ahensya. Wala rin umanong bayad ang proseso ng aplikasyon sa loob ng PCG.

“Only the PCG and CGHRMC official Facebook pages are authorized to disseminate updates on the nationwide recruitment.”

Mariing nilinaw ng PCG—wala silang kinikilala na anumang iligal na paraan ng pagpasok sa kanilang hanay. Ang bawat aplikante ay dapat dumaan sa tama, patas, at transparent na proseso.

Hinihikayat din nila ang publiko na agad i-report ang anumang illegal recruitment na may kaugnayan sa Philippine Coast Guard.

CGHRMC Grievance Desk:
📞 0929-314-1684
📞 0930-965-3132
📞 0915-096-6183
📞 0962-881-0491

Ayon sa Philippine Coast Guard, walang bayad ang opisyal na proseso ng enlistment, at tanging ang PCG at CGHRMC official channels ang awtorisadong maglabas ng impormasyon ukol sa recruitment. Hinimok din ang publiko na agad i-report sa mga kinauukulan ang anumang insidente ng illegal recruitment para sa agarang aksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble