‘Revenge travel’ dahilan ng pagdami ng mga turista sa Zamboanga del Norte

‘Revenge travel’ dahilan ng pagdami ng mga turista sa Zamboanga del Norte

DAHIL sa pagluwag ng COVID restrictions sa bansa ay muling na-enjoy ang mga turista sa pag-iikot sa Pilipinas partikular na sa Zamboanga del Norte.

Sino nga bang hindi mapapagala matapos ang dalawang taong naging limitado ang galaw ng marami sa atin.

At ngayong lumuluwag na ang COVID-19 restriction marami sa atin ang nais magbakasyon.

Lalo na ngayong Christmas season, kaniya-kaniyang nang plano ang mga turista sa kanilang holiday getaway.

Sa Zamboanga del Norte ramdam nga raw ang epekto ng “revenge travel” dahil sa dumaraming bilang ng mga turistang naglalakbay ngayong holiday sa probinsiya.

Ang revenge term ang tawag sa pagbiyahe matapos ang mahabang panahon na hindi pinahihintulutan ang pagbiyahe dulot ng pandemya.

Ang kilalang resort sa Dapitan na Dakak Park and Beach Resort ay fully-booked nga ang lahat ng kanilang rooms sa buong December.

Binigyang diin ng Dakak ang magandang epekto ng  pagdagsa ng mga turista sa lugar kung saan nakakabalik na rin ang mga ilang empleyadong nawalan ng trabaho noong pandemya.

At ngayong bukas na bukas na ang turismo ng bansa, muling ibibida ng Department of Tourism (DOT) Region 9 ang malawak na kultura, masasarap na pagkain at magagandang tanawin sa probinsiya.

Kanilang itatampok ang twin cities ng Zamboanga del Norte, ang Dipolog at Dapitan kasabay ng paglulunsad ng “L4D: Laag na! Dali sa Dipolog, Dapit sa Dapitan!”

Umaasa ang DOT Region 8 na sa muling pagbubukas ng border ng Pilipinas at pagluwag ng COVID-19 restriction, tuluy-tuloy ang pagsigla ng turismo ng Zamboanga.

Dagdag nito na mas marami pa ang aasahan ng mga turista sa lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter