Revolutionary Government, ‘Unconstitutional’- Sen. Dela Rosa

Revolutionary Government, ‘Unconstitutional’- Sen. Dela Rosa

WALANG sapat na dahilan para magsasagawa ng Revolutionary Government ayon sa inihayag ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa panayam ng SMNI News.

Bukod pa rito, sinabi ni Dela Rosa na ito ay ‘unconstitutional’ at illegal.

“So far, ang masasabi ko lang diyan, that is illegal and that is constitutional. Whatever processes that are unconstitutional, medyo malabo ‘yan maka-gain ng suporta sa karamihan,” ayon kay Dela Rosa.

Ani Dela Rosa, wala pa ring kasiguraduhan kung pabor ba si Pangulong Duterte sa isinusulong ng mga ito.

Bukod pa rito, tiwala pa rin si Sen. Dela Rosa na ‘under control’ pa rin ng gobyerno ang sitwasyon ng bansa.

Dagdag pa ni Dela Rosa, bago magtagumpay ang revolutionary government, dapat may partisipasyon ang mayorya at karamihan sa mga sundalo.

Magugunitang, pinangunahan ni retired Gen. Antonio Parlade Jr. ang Revolutionary Government upang ipagpatuloy ang pamumuno ni Pangulong Duterte dahil aniya sa kuwestyunableng pamamalakad ng Commission on Elections (COMELEC).

Follow SMNI NEWS in Twitter