Richard Heydarian idineklarang persona non grata sa Zamboanga City

Richard Heydarian idineklarang persona non grata sa Zamboanga City

IDINEKLARANG persona non grata ng Zamboanga City Council ang political analyst na si Richard Heydarian.

Dahil ito sa mapanirang pahayag niya laban sa Mindanao partikular na ang pagkukumpara niya sa rehiyon sa Sub-Saharan Africa pagdating sa Human Development Index.

Ang Zamboanga City na ang pinakalatest na lungsod na nagdeklara kay Heydarian bilang persona non grata.

Nauna nang naglabas ng kaparehong resolusyon ang Isabela, Basilan at anim pang mga lungsod at bayan sa Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble