Rightsizing ng mga tauhan sa PNP, planong ipatupad para mapag-ibayo ang police visibility sa bansa

Rightsizing ng mga tauhan sa PNP, planong ipatupad para mapag-ibayo ang police visibility sa bansa

PLANO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang rightsizing ng mga tauhan para mapakinabangan ang puwersa ng pulisya at mapaghusay pa ang police visibility sa buong bansa.

Sa press briefing sa Malacañang nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na nais nilang i-maximize ang puwersa ng pulisya upang maiwasan ang duplicity ng trabaho.

Dagdag ng kalihim, nais din nilang tiyakin na ang mga opisyal ng pulisya ay nakatutok sa pagtatrabaho sa antas ng komunidad.

Nang tanungin kung ang rightsizing ng mga tauhan ng PNP ay mangangahulugan ng kawalan ng trabaho para sa ilang pulis, sinabi ng DILG chief na wala silang intensyong tanggalin ang mga pulis sa kanilang puwesto, bagkus, ire-assign lang aniya sila sa ibang tungkulin.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter