Rightsizing sa mga ahensiya at opisina ng pamahalaan, suportado ng mga senador

Rightsizing sa mga ahensiya at opisina ng pamahalaan, suportado ng mga senador

NAGHAYAG ng suporta ang karamihan sa mga senador patungkol sa rightsizing o ang pagsasaayos ng mga ahensiya na mayroong pareho o overlapping function.

Matatandaan na una nang suhestiyon ng Department of Budget and Management (DBM) na i-streamline ang mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-iisa, restructuring, o pagtatanggal ng ilang ahensiya o opisina.

Sinabi ni Senator Bong Revilla, suportado niya ang rightsizing pero nagpaalala na huwag  naman sanang maging dahilan ito para malagay sa alanganin ang hanapbuhay ng mga manggagawa.

“Sinusuportahan natin ang pamahalaan sa rightsizing ng burukrasya, but not at the expense of our hardworking civil servants. Hindi dapat malagay sa alanganin ang kanilang mga hanapbuhay,” pahayag ni Senator Bong Revilla.

Ipinunto ng senador, dapat tutok ito sa kung paano makatipid ang gobyerno sa mga gastos at hindi para mawalan ng trabaho ang mga empleyado ng pamahalaan na nagsisilbing backbone ng gobyerno.

“It should focus on reshaping and revamping the government to save unnecessary cost brought about by inefficiency, but should not be at the expense of our hardworking public servants who are the backbone of our government. It should always bend towards serving the welfare of the people, and never against it,” ayon kay Revilla.

Suportado rin ni Senator Loren Legarda ang suhestiyon ng DBM na aniya may kapareho pa siyang panukala noong 17th Congress.

Paliwanag ng senadora, mayroon naman talagang mga ahensiya ng pamahalaan na magkakapareho na nagreresulta aniya sa inefficiency ng mga empleyado.

“I fully support the proposal of DBM to rightsized the bureaucracy. In fact, I filed a similar measure during the 17th Congress when I was the Senate Finance Chair. There are government agencies that have functions that overlap or are redundant. This makes them ineffective and inefficient, and these also entail unnecessary expenses,” ani Legarda.

Posible rin aniyang i-refile ang kanyang panukalang batas na rightsizing ngayong 19th Congress.

Para naman kay Senator Koko Pimentel, tamang termino ang rightsizing at hindi downsizing, na ibig sabihin ay hahanapan ng tamang pwesto ang ibang empleyado na gumagawa ng kaparehong trabaho.

“Tama naman ang termino rightsizing so hindi dapat downsizing ibig sabihin nun nagpapayat or nagre-reduce may aalisin na taba. Ang rightsizing yun ang tamang termino kaya agree ako sa konseptong yun ibig sabihin hinahanapan lang ng tamang pwesto, lugar o gagawin ang ibang empleyado na redundant o gumagawa ng parehong trabaho o nag-o-overlap o ‘yung responsibilidad nagtuturuan na lang,” ayon kay Pimentel.

Desisyon na lang aniya ng empleyado kung tatanggapin nila ang ibibigay na benepisyo kung ayaw pa nito umalis o ililipat sila sa iba.

“Isipin na lang mga empleyado yung ise-separate dapat bigyan ng benepisyo, choice nila kung ayaw pa umalis ilipat sila,” dagdag ng senador.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Senador Joel Villanueva na sa kabila ng suhestyong rightsizing bakit may mga bakanteng posisyon sa gobyerno na hindi napupunuan.

“First, why is it that roughly 1 out of 10 (or 178,128 out of 1,899,925) authorized positions in the national government remain unfilled? We want to know how these unfilled positions will be filled up,” ani Villanueva.

Pangalawa, kinuwestyon naman ni Villanueva kung bakit napakarami pa ring job order o contract of service (COS) sa gobyerno.

“Second, why is there a significant number of government workers under Job Order (JO) or Contract of Service (COS) positions in the government, when there are a lot of unfilled positions?” dagdag ng senador.

Sa datos ng Civil Service Commission as of August 2021, mayroong 100,895 job order at kontraktwal sa national government at mahigit 40,000 ang JO/COS sa GOCCs at SUCs.

Follow SMNI News on Twitter