SINURPRESA ng pop queen at business mogul na si Rihanna ang mga manunuod nito matapos nitong ihayag ang kanyang pagbubuntis sa kalagitnaan ng kanyang Super Bowl performance.
Lumabas si Rihanna sa stadium habang nasa ere habang suot-suot ang kanyang all-red ensemble kung saan halatang-halata ang baby bump ng singer.
Kinumpirma naman ng mga representative ng singer ang mga spekulasyon sa kanyang performance sa mismong Rolling Stone at Hollywood reporter na buntis si Rihanna sa kanyang ikalawang anak.
Ipinerform ni Rihanna ang kanyang mga hit songs gaya ng “Where Have You Been” Only Girl (In The World), “We Found Love”, “Rude Boy,” “Umbrella” “Diamonds” at marami pang iconic songs nito.
Matatandaan na isinilang ni Rihanna ang kanyang unang baby boy sa rapper na si Asap Rocky noong Mayo ng nakaraang taon.