Rivermaya, sasabak sa int’l tours ngayong taon

Rivermaya, sasabak sa int’l tours ngayong taon

MAGKAKAROON ng international tour ngayong taon ang OPM rock band na Rivermaya.

Sa anunsiyo ng kanilang drummer na si Mark Escueta, ngayong Setyembre sa Estados Unidos at Canada magsisimula ang tour.

Pagkatapos ng Estados Unidos at Canada ay tutungo naman ang banda sa Middle East, Singapore, Australia, at London.

Noong Pebrero 17, 2024 ay nauna nang nagkaroon ng reunion concert ang Rivermaya sa SMDC Festival Grounds.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble