MAY napipintong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), posibleng bababa ang presyo ng kada litro ng diesel mula P1 – P1.2 sentimos.
Habang mula P1.20 – P1.44 per litro sa gasolina at P1 o higit pa sa kada litro ng kerosene.
Ang naturang price adjustment ay dahil sa paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.