RoRo Port sa Samar bukas na

RoRo Port sa Samar bukas na

BUKAS na sa publiko ang isang pantalan sa Visayas na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Leyte at Samar para magtawid ng mga pagkain at essential goods na siyang pangungunahan ni Transportation Secretary Vince Dizon.

Ito’y habang sumasailalim sa malawakang pagkukumpuni at rehabilitasyon ang San Juanico Bridge.

Mabilis ang naging tugon ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang Philippine Ports Authority (PPA), at ng lokal na pamahalaan ng Tacloban at Samar sa pagsasaayos ng RoRo.

Nagtagal lamang ng mahigit isang linggong konstruksiyon ang nasabing pantalan.

Nagsimula nang gamitin ang RoRo vessels na magdadala ng mga truck na may kargang mga supply ng pagkain, krudo at iba pang essential goods patawid ng San Juanico Strait mula sa port ng Amandayehan sa Samar patungong Tacloban o vice versa.

Nagpasalamat si Dizon sa mabilis na aksiyon ng national agencies kasama ang probinsiyal at lokal na pamahalaan ng Samar at Tacloban sa agarang solusyon sa problema.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble