IPINARINIG na ni Rosé ng Blackpink ang ilang portions ng mga kantang kasali sa kaniyang ilalabas na Rosie album ngayong Disyembre 6, 2024.
Sa isang livestream session noong Nobyembre 14, anim na kanta ang kaniyang ibinida.
Ang mga ito ay ang Gameboy, 2 Years, Toxic Till The End, 3am, Not The Same, at Number One Girl.
Hindi lang naman ito ang magiging mga kanta ng upcoming solo music release ng Blackpink singer dahil sinabi na nito na isang full-length album ang Rosie.
Matatandaan na noong Oktubre 18 ay inilabas na ni Rosé ang kantang Apt. featuring ang American singer na si Bruno Mars.
Ang Apt. ay kasama sa nabanggit na album.