ROTC Summer Camp Training, pormal nang nagsimula sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan

ROTC Summer Camp Training, pormal nang nagsimula sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan

PORMAL nang sinimulan nitong Lunes, Hulyo 10 ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) Summer Camp Training para sa 2023 sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan.

530 mga estudyante mula sa kolehiyo ang piniling sumailalim sa ROTC Summer Camp Training mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay Col. Leopoldo T. Babante, group commander ng 1st Regional Community  Defense Group (1RCDG), ang mga estudyanteng sasailalim sa ROTC Advanced Summer Camp Training ay mga incoming second class na inaasahang hahawak sa mga Junior ROTC Cadets.

“So incoming second class ang mga ito. Ito ‘yung mga training na kailangang pagdaanan nila para pagdagting ng time sila na ang maghahandle sa mga junior ROTC Cadets is capable na sila,” ayon kay Col. Leopoldo T. Babante (GSC) PA, Group Commander, 1RCDG.

Ayon pa kay Babante, tumaas ang bilang ng mga babaeng estudyante na sumali sa ROTC program ngayon.

Aniya, 40 porsiyento sa mga estudyante na sumailalim ngayon sa Summer Camp ROTC training ay pawang mga babae.

Ayon naman kay BGen. Ferdinand Melchor dela Cruz ng Philippine Army (PA), guest speaker ng nasabing seremonya, kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng mga estudyante na nais na sumali sa ROTC program ng pamahalaan.

“These number of students of mga cadet officers, very welcome development for us armed forces kasi napakalaking bagay na they are volunteering.”

“I’m glad that significant number enrolled with the ROTC kasi ‘yung dalawang components kung baga napakadali kung ‘yung mga estudyante na gusto lang ng for convenience they will not volunteer for the ROTC program and that’s why this feat of these students is very remarkable,” ayon kay BGen. Ferdinand Melchor dela Cruz, PA, Commander, 501st IBDE, 5ID, PA.

Inihayag din ni Dela Cruz, na maaring maging target ang mga ito sa pagre-recruit ng mga communist terror group (CTG) para sa armadong pakikibaka gayunpaman, naniniwala ito na ang pagsasailalim ng mga kabataan sa ROTC training ay magreresulta ng malalim na relasyon sa kapatiran at pag-ibig sa bansang Pilipinas.

“Definitely as cadet officers, you may be targets kasi alam nila na puwedeng isa sa inyo maging infiltrator sa Armed Forces but I know they can never do that. Kasi while you are on training, there is this bond between you na made-develop na parang magiging magkakapatid kayo. As I was saying ako, ang mga officers niyo meron kaming kaniya-kaniyang brotherhood na nakuha because of our ROTC training. Na kapag kami ay ni-recruit kahit noong kami ay kadete pa lang mas mahal namin ‘yung brotherhood namin,” dagdag ni Dela Cruz.

Narito naman ang mensahe ng mga kadete para sa mga kabataan na nagdadalawang-isip na sumali sa ROTC.

“Mga kabataan, huwag nating kalimutan na mahalin ang ating bayan kasi masasayang ‘yung binuwis na dugo ng ating mga ninuno dito. Pupunta man tayo sa ibang bansa, dito pa rin tayo nagmula at ang ating Inang Bayan ay naghintay sa atin at ‘yan ang sumisimbolo sa ating pagkatao, ‘yan lang ang masasabi ko salamat po,” ayon kay Aaron Anjello Gonong, UP Baguio, Benguet.

“Wala po kayong dapat katakutan dahil wala pong katotohanan ‘yung sinasabi ng mga nasa kabila dahil ang katotohanan lamang dito ay pinapalakas lamang nila ang inyong katawan at dini-develop ang leadership skill ninyo at social skills,” John Christoffer opiana, Laoac, Pangasinan.

Hindi rin nagpahuli ang dalawang babaeng trainee sa paghikayat sa mga kabataang kababaihan na sumali sa pagsasanay sa militar.

“Sa mga kapwa ko babae diyan, huwag kayong mahiya and if ever they are telling, asking you, they are questioning your capabilities, show them that you can surpass them. Show your best and surpass your limits po,” ayon kay Jolina May Hernandez, Kings College of the Philippines, La Trinidad, Benguet.

“As a part po ng kababaihan huwag po kayong matakot mag-join sa ROTC huwag po ninyong pakinggan ang mga sinasabi nilang negative na sinasabi nila about sa kababaihan kasi kahit babae ka man kayang-kaya mo pa rin makipagsabayan sa mga kalalakihan,” ayon naman kay Junefer Abenojar, Panpacific University, Tayog, Pangasinan.

Aasahan na magtatapos ang ROTC Summer Camp Training sa Hulyo 24, 203 at dadaan naman ang mga nasabing estudyante sa Advanced ROTC Academic-Based Training kung saan sasamahan sila ng mga senior cadets.

Maliban sa nasabing batch, nilinaw ni Babante na may mga susunod pang batch na mga kadete sa taong ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter