Roy Mabasa, nanawagan na hayaang magsalita si General Bantag

Roy Mabasa, nanawagan na hayaang magsalita si General Bantag

NANINDIGAN ang kapatid ni Percy Lapid na mas mainam kung hahayaan na lang na magsalita si suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag kahit na ano pa man ang nais sabihin.

Inilabas ni Roy Mabasa ang mensahe bilang reaksyon sa pinakahuling pahayag ni Bantag kaugnay sa aniya’y mga nasa likod ng pagdidiin o pagdamay sa kanya sa Percy Lapid killing.

Kasabay nito ay iginiit din ni Mabasa ang hamon niya kay Bantag na lumantad na at harapin na lang ang kanyang reklamong murder.

Magugunitang nauna nang sinabi ni Bantag na si Justice Secretary Crispin Remulla ang kumukumpas at nasa likod para isangkot siya sa nasabing krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter