Royal procession, naging mahirap para kay Prince William dahil sa alaala ni Princess Diana

Royal procession, naging mahirap para kay Prince William dahil sa alaala ni Princess Diana

INIHAYAG ng Prince of Wales na ang pagsunod nito sa kabaong ng Reyna ay nagdulot ng pagbabalik ng alaala ng libing ng kanyang ina na si Princess Diana.

Sa pagsasalita sa harap ng maraming tao ay inamin ni Prince William na ang pagsunod sa kabaong ng Reyna sa Royal Procession ay nagpapabalik ng ilang alaala ng libing ng kanyang ina.

Noong Miyerkules ay sinundan ng mga miyembro ng Royal Family ang paglilipat ng labi ni Queen Elizabeth II mula sa Buckingham Palace patungo sa Westminster Hall.

Si Prince William at Prince Harry naman ay namataang sabay na naglalakad sa likod ng labi ng Reyna habang patungo sa Westminster Hall, kung saan bumalik umano ang alaala ng kanilang pagdalo sa libing ni Princess Diana.

Matatandaan na pumanaw si Princess Diana 25 taon na ang nakalilipas pero ang pighati umano na nararamdaman ng mga prinsipe ay nanatiling malakas.

Ito ay paalala umano sa mapait na karanasan ng dalawang magkapatid nang sila ay bata pa lamang humarap sa publiko sa labas ng Sandringham si Prince William at ang kanyang asawa at dito ay sinariwa ng prinsipe ang alaala ng kanyang yumaong ina.

Samantala, inihayag naman ng isang spokesman ng Palasyo na bumalik na sa ilang opisyal na negosyo si King Charles nang bumalik ito sa highgrove, ang kanyang opisyal na residensya sa Gloucestershire.

Follow SMNI NEWS in Twitter