Russia, magpapatupad ng 3-Araw na ceasefire laban sa Ukraine bilang paggunita sa Victory Day

Russia, magpapatupad ng 3-Araw na ceasefire laban sa Ukraine bilang paggunita sa Victory Day

MOSCOW — Inanunsyo ng Russia nitong Lunes, Abril 28, na magpapatupad sila ng tatlong araw na ceasefire laban sa Ukraine mula Mayo 8 hanggang Mayo 10, 2025, kasabay ng kanilang Victory Day celebration — ang taunang paggunita sa pagkatalo ng Nazi Germany noong 1945.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Kremlin, ang ceasefire ay bilang “pagbibigay-pugay sa mga sakripisyo ng mga sundalong Ruso” sa panahon ng World War II, kung saan tinatayang mahigit 20 milyong Russians ang nasawi.

“Ito ay panahon ng pag-alala, hindi ng karahasan,” ayon sa spokesperson ng Russian Ministry of Defense.

Gayunpaman, ang anunsyo ay dumating ilang araw lamang matapos ang malawakang drone attacks ng Russia sa Ukraine mula Abril 26 hanggang Abril 27, kung saan 149 drones at decoys ang inilunsad. Ayon sa ulat ng Ukrainian officials, hindi bababa sa apat na sibilyan ang nasawi sa mga pag-atake, kabilang ang isang 14-taong-gulang na batang babae.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble