IBINALIK na sa kanilang mga ruta noong pre-pandemic levels ang mga bus at jeep.
Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division Chief Joel Bolano sa panayam ng SMNI News ngayong niluwagan na ng pamahalaan ang COVID-19 restrictions.
Noong pandemya, 33-35 na ruta lang ang pinapayagan ngunit ngayon ay may 53 na ruta na para sa mga bus.
Hinggil naman sa privatization ng EDSA Bus Carousel, sinabi ni Bolano na wala pang natatanggap ang LTFRB na proposal hinggil dito.