Ryan Bang, nakatanggap ng offer mula sa entertainment company ng kaniyang home country

Ryan Bang, nakatanggap ng offer mula sa entertainment company ng kaniyang home country

INAMIN mismo ng aktor-host na si Ryan Bang na nakatanggap ito ng offer mula sa isang entertainment company mula sa South Korea.

Inalok aniya siyang gumawa ng acting at hosting projects ng SM Entertainment na siya ring namamahala sa ilang K-pop group at celebrities sa kanilang bansa.

Gayunpaman, sinabi nito na hindi niya tinanggap ang alok dahil hindi nito kaya ang panuntunan sa kanilang bansa dahil sobra itong mahigpit.

Iba aniya ang kaniyang personality ngunit nilinaw pa rin nito na maaari siyang maging guest sa mga palabas sa South Korea.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter