RYC ng Keepers’ Club Int’l, umarangkada na sa Eastern Mindanao

RYC ng Keepers’ Club Int’l, umarangkada na sa Eastern Mindanao

BAKAS ang saya at pananabik na muli ay nagsama-sama ang mga kabataan sa Eastern Mindanao para sa taunang Regional Youth Congress (RYC) ng Keepers’ Club International (KCI) ngayong opisyal nang binuksan sa lungsod ng Butuan.

Sa unang pagkakataon, matapos ang pananalasa ng pandemyang COVID-19 ay nagkaroon na ng face-to-face activity ang KCI na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ang mga young people (YP) at Young Ambassadors of the Kingdom (YSAK) ay nagmumula sa iba’t ibang lugar ng CARAGA gaya ng Butuan City, Cabadbaran City, Surigao City, Tandag City, San Franz, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte,  Surigao del Sur, Siargao Island, at Dinagat Islands.

Tatagal ang RYC ng tatlong araw simula Hulyo 20-22, 2023, kung saan iba’t ibang mga aktibidad ang isasagawa tulad ng skirting, multimedia events, music fest, at ball games.

Lubos naman ang pasasalamat ng Keepers’ Club International volunteers sa suporta na ibinigay ng butihing Pastor para sa naturang RYC.

Sa matagumpay na RYC ngayong taon ay mas lalo pang pag-iibayuhin ng mga KCI members ang kanilang mga talento para sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan at bilang mga kabataan na siyang pag-asa ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter