S. Koreans, nagpanic-buying sa asin sa plano ng Japan na magpakawala ng wastewater sa karagatan

S. Koreans, nagpanic-buying sa asin sa plano ng Japan na magpakawala ng wastewater sa karagatan

MARAMING South Korean ang bumibili ng maraming asin kasunod ng plano ng Japan na magpakawala ng treated radioactive water sa karagatan.

Kasunod ng bulk-buying na ito ay nagkaron na ng price increase at shortage ng asin ang isang bag ng asin sa Hyun Yong-Gil’s store ay umangat sa halagang 36,000 won na isang malaking paglago mula sa 22,000 won isang buwan ang nakaraan.

 “Right now it’s not easy to get salt, it’s really difficult, as there is no salt,” ayon kay Hyun Yong-gil, Owner, Nam Yang Sogum Company.

Samantala, ayon naman sa Ministry of Ocean and Fishing, ang price hike ay dahil na rin sa masamang panahon na naging sanhi ng delay sa produksyon nito.

Pero itinanggi naman ito ng salt traders gaya ni Hyun.

“The contaminated water that will be released by Japan, I think that’s the big effect,” dagdag ni Hyun Yong-gil.

Matatandaan na plano ng Japan na magpakawala ng milyun-milyong tonelada ng contaminated water mula sa Fukushima Power Plant na nasira dahil sa tsunami noong 2011 na nagresulta sa malawakan meltdown.

Dahil dito, mahigpit na minomonitor ngayon ng gobyerno ang salt fams sa bansa para sa anumang pag-angat ng radioactive substance at patuloy na nagpapatupad ng ban a seafoods na mula sa malapit na karagatan ng Fukushima.

Ang South Korea ay isa sa mga bansa gaya ng China at Russia na tutol sa pagtatapon ng Japan ng treated radioactive water sa karagatan.

Noong Mayo 26 ay matatandaang nagsagawa ng protesta ang Opposition Party ng South Korea ukol sa planong magpakawala ng radioactive water, ang signature campaign naman para rito ay nakakuha na ng 1-K katao.

Follow SMNI NEWS in Twitter