INILUNSAD ngayong araw ng Sabado, February 22, 2025 ang “SABA-Day” bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga magsasaka sa bansa.
Ginanap ang aktibidad sa Ampitheater, BGC Taguig na pinangunahan ng Villa Socorro Farm.
Tampok rito ang iba’t ibang produkto mula sa saging na saba gaya ng Villa Socorro Banana Chips na hindi lang sikat sa lokal na merkado kundi sa Export din.
Bukod sa mga chips, tampok rin ang ilang “Farmniture” products, mga damit, at bags na gawa mula sa banana fiber.
Ang Villa Socorro Farm sa Brgy. Dingin, Pagsanjan, Laguna na may lawak na 11 ektarya.