SA isa pang laro ng NBA regular season, nagawa ng Sacramento Kings na malusutan ang Detroit Pistons sa iskor na 127-117.
Sa unang kalahati ng laro, kontrolado ng Pistons ang laban, ngunit pagpasok ng ikatlong quarter, nabaliktad ng Kings ang sitwasyon matapos magtala ng 35 points.
Sa huling labing dalawang minuto ng laro, tuluyan nang pinayuko ng Sacramento ang Detroit.
Tumulong sa panalo ng Kings si Domantas Sabonis na gumawa ng triple-double na may 19 points, 15 rebounds, at 10 assists.
Nag-ambag naman ng 43 points si Zach LaVine at 37 points si DeMar DeRozan.
Sa ngayon, nasa ika-siyam na puwesto ang Kings sa Western Conference standings.
Susunod nilang makakaharap ang Denver Nuggets ngayong Huwebes, Abril 10.
Follow SMNI News on Rumble