SAHOD at kompensasyon ang pinaka-problema ng mga Pinoy nurses kung bakit nagtratrabaho sila abroad.
Ayon ito kay Philippine Nurses Association President Melvin Miranda sa panayam ng SMNI News.
Paliwanag ng Pinoy nurses ayon kay Miranda, nag-invest sila sa kanilang edukasyon kung kaya’t nais din nilang mabawi ito sa pamamagitan ng malaking sahod.
Sa katunayan, sa business process outsourcing (BPOs), doble ang mga sahod na natatanggap ng Pinoy nurses kung ikukumpara sa kasalukuyang halos P33.5-K na entry level sa Pilipinas.
Dahil dito, ikinatuwa ng Philippine Nurses Association (PNA) ang planong pagkakaroon ng National Nursing Advisory Council.
Hakbang na rin ito para mahikayat ang mga nurse na manatili sa bansa at magtrabaho.