PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang appointment papers ng mga bagong opisyal ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito ang kinumpirma ng bagong talagang acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.
Ani Andanar, itinalaga ng pangulo si Saidamen Pangarungan bilang ad interim COMELEC chairman.
Habang in-appoint naman sina George Garcia at Aimee Neri bilang ad interim commissioners ng COMELEC.
Ang direktiba ni pangulong Duterte sa gitna ng pagtalaga ng bagong mga opisyal sa komisyon ay ang tiyakin na magkaroon ng tapat, mapayapa, may kredibilidad at malayang halalan sa Mayo.