PINASALAMATAN ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang sakripisyo ng Philippine National Police (PNP) sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Personal na nagpaabot ng pasasalamat si General Acorda sa lahat ng mga tauhan nito na nagsakripisyo sa SONA ni PBBM.
Sa katunayan, ikinatuwa mismo ni General Acorda na nagbunga ng isang maayos at matiwasay na Ulat sa Bayan ang Pangulong Marcos dahil na rin sa maayos na latag ng seguridad nitong Lunes.
Bukod sa PNP, pinasalamatan din ng PNP kasama na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines, Joint Task Force-National Capital Region, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology.
Kinilala rin ng PNP ang pakikipagtulungan ng OCD/Red Cross, Department of Health Philippine Coast Guard, Presidential Security Group, Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, Different Local Governments, Force Multiplier.
Gayundin ang iba pang pribadong sektor na nakipagtulungan upang ipatupad ang seguridad para sa kakatapos na ikalawang SONA ni Pangulong Marcos.