Salt industry, sisigla sa pagbuhay sa 473 ektaryang salt farm sa Pangasinan

Salt industry, sisigla sa pagbuhay sa 473 ektaryang salt farm sa Pangasinan

MAGSISIMULA nang sisigla ang industriya ng asin sa bansa ngayong muling magpapatuloy ang produksiyon ng asin sa 473 ektaryang salt farm sa Bolinao, Pangasinan.

Ito’y matapos lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) si Pangasinan Gov. Ramon Guico III at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa interim management para sa produksiyon ng asin.

Matatandaan na noong 2021 ay ipinatigil ng DENR ang operasyon ng Pacific Farms Inc. matapos na hindi i-renew ng ahensiya ang lease contract.

Ang Pacific Farms Inc. ang pinakamalaking producer ng asin sa buong bansa.

Sa ngayon, sinimulan na ang pag-aayos sa salt farm na target na makapagproduce ng 10-K metric tons ng asin kada taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter