Sam Versoza, tututok sa kalusugan, hanapbuhay, at edukasyon sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila

Sam Versoza, tututok sa kalusugan, hanapbuhay, at edukasyon sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila

MAINIT na sinalubong ng kaniyang mga tagasuporta ang businessman at Tutok To Win Party-list representative na si Sam Verzosa (SV) sa opisyal na pagsumite nito ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa mga supporter, tiwala sila sa kakayahan ni SV na pamunuan ang Maynila kaya ibibigay nila ang buong suporta dito.

Pasado alas-tres ng hapon, araw ng Linggo, nakapag-file si SV ng kaniyang kandidatura para sa eleksiyon sa May 2025.

Kapag nahalal sa pag-alkalde, prayoridad ni Versoza ang mga programang pangkalusugan gaya ng libreng pang-ospital at panggamot.

Isusulong din niya ang dalawang libong allowance para sa senior citizens maging ang paglikha ng trabaho at kabuhayan para sa mga Manileño.

Tututukan din niya ang kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Sa katunayan, ani Versoza, sinimulan na niya ang pagsasagawa ng mga programang ito.

Nanindigan naman si SV na kailangan ng tunay na pagbabago sa Maynila.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang ina ni Sam sa ibinuhos na suporta ng mga tao sa kaniyang anak.

Kasunod ng filing, ay pinuntahan ni SV ang kaniyang supporters na nasa Kartilya ng Katipunan.

Pagkatapos nito’y tumulak na sila sa Liwasang Bonifacio kung saan nagkaroon naman doon ng isang programa.

Sa gitna ng malakas na labanan sa mayoralty race sa Maynila, ani Versoza, mas maiging iwasan ang mga bangayan, bagkus ay ipaubaya na lamang sa mga Manileño ang gusto nila o pipiliing mamuno sa kanilang lungsod.

Una nang naghain ng kanilang kandidatura sa pagka-alkalde ng Maynila sina Mayor Honey Lacuna at negosyante at ekonomistang si Michael Say.

Inaasahan ding makakatunggali nila si dating Mayor Isko Moreno Domagoso.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble