SAN FERNANDO, CEBU – Dinalaw ni Atty. Israelito Torreon, tagapagsalita ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, ang San Fernando Public Market sa Cebu bilang bahagi ng kanilang konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mamamayan.
Kasama ni Torreon sa aktibidad si PDP Senatorial Candidate Atty. Jayvee Hinlo, pati na rin ang mga kinatawan ng ABP Partylist, na layuning marinig ang hinaing ng mga Cebuano lalo na sa sektor ng kalakalan at kabuhayan.
Sa kanilang pagbisita, nakipagdayalogo ang grupo sa mga tindera, mamimili, at iba pang stakeholders ng pamilihang bayan upang talakayin ang mga isyung kinahaharap ng mga maliliit na negosyante, tulad ng taas-presyo ng bilihin at kakulangan sa suporta para sa micro-entrepreneurs. Hinikayat ang mga ito na iboto ang DuterTEN para ipagpatuloy ang mga proyektong nagawa ni dating Pangulong Duterte.