INIULAT ng San Jose del Monte, Bulacan ang dalawang kumpirmadong kaso ng Mpox sa lugar.
Ayon sa City Health Office, clade II strain ang Mpox variant ng dalawang pasyente.
Agad namang nagsagawa ng contact tracing ang City Health Office at nakitang asymptomatic ang mga nakahalubilo ng mga ito.
Isinailalim pa rin sa isolation ang mga close contact bilang pag-iingat.