SINAMAHAN ni K-pop star Sandara Park ang South Korean actor na si Jung Il-woo para mag-ikot at mamasyal sa Bohol.
Pawang ibinahagi ng dalawa ang mga larawan ng kanilang pamamasyal sa social media.
Bahagi naman ng “Dara Tour” travel vlogs ni Dara sa kaniyang Sandara’s YouTube Channel ang naturang pagbisita ng dalawa sa Bohol.
Magkasama na si Sandara at Il-woo sa isang period drama noong taong 2009 na may pamagat na “The Return of Iljimae”.
Taong 2021 ay naging guest naman si Dara sa YouTube Channel ni Il-woo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na bagamat full-blooded Korean si Dara ay mahal nito ang Pilipinas kung kaya’t hanggang maaari ay binabalik-balikan nito ang bansa.
Madalas na kasama niya rin ang kaniyang Korean friends sa pagbisita sa Pilipinas.