Sandara Park, tutungo muli sa Pilipinas para sa EPICON 2023

Sandara Park, tutungo muli sa Pilipinas para sa EPICON 2023

TUTUNGO muli sa Pilipinas ngayong April 1, 2023 ang K-pop singer subalit may pusong Pinoy na si Sandara Park.

Ito’y dahil magiging host si Dara para sa EPICON 2023 na isasagawa sa Mall of Asia (MOA) concert grounds.

Makakasama naman ni Dara dito ang kapwa niya ex-member ng 2NE1 na si Minzy bilang performer.

Sikat ang 2NE1 sa mga kanta tulad ng “Fire”, “I am the Best”, “I Dont Care” at “Lonely”. Samantala, nakatakdang maglabas ng kauna-unahang solo album si Dara.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram