Sapat at murang presyo ng bigas, tiniyak ng NIA sa ilalim ng Contract Farming Program

Sapat at murang presyo ng bigas, tiniyak ng NIA sa ilalim ng Contract Farming Program

KUMPIYANSA ang National Irrigation Authority (NIA) na maabot nila ang target na sapat at murang presyo ng bigas sa bansa.

Kaugnay ito sa kanilang anunsiyo sa bentahang P29 halaga ng kada kilo ng bigas sa buwan ng Agosto.

Ayon kay National Irrigation Administration Administrator Engr. Eduardo Guillen, mangyayari ito sa ilalim ng Contract Farming Program.

Sinabi ni Guillen, dahil mababa na ang gastos ng mga magsasaka sa inputs ay bababa na rin ang presyo ng palay.

Bukod dito, mababawasan din ang gastos ng mga magsasaka dahil ang NIA na rin ang tutulong para ipakiskis ito.

Sa ngayon, sakop ng pilot project ng NIA ang nasa 40,000 ektarya ng sakahan sa buong Pilipinas.

Maliban dito ay ibinahagi rin ni Guillen ang iba pang proyekto ng ahensiya tulad ng flood control, water management at pagtatayo ng mga dam na inaasahang makahihikayat ng mas marami pang magsasaka na makikiisa sa Contract Farming Program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble