Sapat na pondo sakaling tumindi ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, tiniyak ng OCD

Sapat na pondo sakaling tumindi ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, tiniyak ng OCD

NAKAHANDA ang Office of Civil Defense (OCD) sakaling tumindi ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, may sapat na pondo ang gobyerno na nagkakahalaga ng P1.3-B para sa mga apektadong residente sa lalawigan.

Ang pondo ay sapat para sa family food packs, hygiene kits, tubig at iba pang pangangailangan.

Maliban dito, nakahanda rin ang OCD sakaling itaas sa Alert level 4 ang Bulkang Mayon, kung saan palalawigin nila sa 7 kilometer ang permanent danger zone.

Gayundin ang paglilikas sa mas maraming residente sa iba pang barangay malapit sa bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter