SB19 magsasagawa ng stage world tour para sa kanilang ‘Simula at Wakas’ EP

SB19 magsasagawa ng stage world tour para sa kanilang ‘Simula at Wakas’ EP

NAKATAKDANG magsagawa ng world tour ngayong taon ang P-pop group na SB19 para sa kanilang nalalapit na extended play na may pamagat na Simula at Wakas.

Sa anunsiyo ng grupo noong Miyerkules, February 12, 2025, sa Mayo 2025 sa Bulacan ang official kick-off ng kanilang world tour.

Sunod naman nilang bibisitahin ang Taipei, Taiwan; Estados Unidos; Canada; Singapore; at Middle East. Gaganapin ito mula Hunyo hanggang Oktubre.

Samantala, ang Australia; Tokyo, Japan; at Hong Kong leg ng kanilang world tour ay wala pang anunsiyo kung kailan isasagawa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble