SB19, nanalo bilang fave Asian act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024

SB19, nanalo bilang fave Asian act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024

PANALO bilang favorite Asian act ang Pinoy pop group na SB19 sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024.

Tinalo ng Pinoy group ang kapwa nominees gaya ng Korean boy group na Enhypen; Japanese girl group na Niziu; ang Malaysian singer na si Iman Troye at Indonesian actress-singer na si Tiara Andini.

Nagpasalamat naman ang lima sa kanilang fans na kilala bilang A’tins dahil sa suporta.

Kaugnay rito, ang premiere ng kanilang “Pagtatag” documentary ay makikita na sa cinemas ngayong Agosto 28.

Ang teaser nito ay makikita sa kanilang Instagram account.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble