Scammers, hindi na naawa—Gigi de Lana

Scammers, hindi na naawa—Gigi de Lana

HINDI na naawa, ganito inilarawan ng singer na si Gigi de Lana ang mga scammer na nagnakaw sa kaniyang pera sa bangko.

Sa kaniyang pahayag, nangyari ang pagnanakaw sa gitna pa ng kaniyang pagka-aksidente sa La Union kamakailan.

Ang mas ikinalungkot pa ni Gigi, ang mga nanakaw na pera ay para sa medical bills ng kaniyang ina na may stage 4 breast cancer.

Matatandaang ibinibenta pa ni Gigi ang kaniyang personal na gamit para makalikom ng pera para sa kaniyang ina.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter