DINAGDAGAN pa ng limang libo ang mga scholarship slot na iniaalok ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makapagbigay ng mas maraming pagkakataon sa mga karapat-dapat na student-dependent ng mga aktibong overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay OWWA administrator Arnell Ignacio, mula sa 2,500 slots ay dinoble nila ang bilang para ma-accommodate ang mas maraming dependents.
Ani Ignacio, makatatanggap ng P60-K financial assistance ang isang iskolar kada school year para sa Education for Development Scholarship Program (EDSP).
Samantala, lumagda ang OWWA ng memorandum of agreement (MOA) sa Land Bank of the Philippines (LBP) para mapabuti ang pamamahagi ng scholarship grants.