TULUNG-tulong na binuhat at isinakay sa Philippine Air Force C130 sa pangunguna ng 220th Airlift Wing ang assorted school supplies para sa iba’t ibang paaralan sa Roxas City.
Nanggaling ang mga kagamitan sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa ilalim ng Brigada Eskwela Program.
Ilan sa mga kagamitang ito ay mga aklat, arm chairs, mesa, dividers at cleaning materials.
Pinasalamatan naman ng Phil. Air Force ang mga eskwelahan gaya ng FEU Volunteerism Services Office, FEU Alumni Relations Office at Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation.
Ayon naman sa Philippine Air Force Civil-Military Operations Group (CMOG), ang Brigada Eskwela Program ay malaking tulong lalo na sa partisipasyon ng mga kabataan hindi lang sa pag-aaral kundi pagtulong sa kapwa at mga nangangailangan.